Ito ang tiniyak ni DPWH Secretary Simeon Datumanong na siya ring kasalukuyang Chairman ng Manila Water Services System (MWSS) Board of Trustees.
Ayon kay Datumanong, wala pang inaaprubahang anumang kahilingan mula sa dalawang water concessionaires ang Manila Water at Maynilad na pinapayagan ang mga ito na magtaas ng P10 sa bawat kubiko singil sa mga consumers.
Niliwanag ni Datumanong na hanggat wala pang desisyon ang MWSS Board of Trustees ay hindi maaaring makapagtaas sa singil sa mga consumers ang mga nabanggit na concessionaires.
Sinabi ni Datumanong, kailangan pa rin umanong magsagawa ng public consultation bago magsagawa ng anumang aksyon hinggil dito.
Binanggit pa nito na sa pagsasagawa ng pampublikong konsultasyon maaaring dumalo ang mga interesadong partido, partikular na ang mga cause-oriented groups o non-governmental organization para madinig din ang panig ng mga ito.
Aniya, dito pagbabatayan ang magiging kasunduan ng mga consumers at dalawang water concessionaires. (Ulat ni Jhay Quejada)