Piskal na inireklamo ng rape posibleng ma-disbar
November 23, 2002 | 12:00am
Malaki ang posibilidad na ma-disbar si 4th Assistant City Prosecutor Antonio Lim ng Quezon City Prosecutors Office sakaling may prima facie evidence laban sa isinampang kaso ng panggagahasa ng katulong nito.
Ayon kay Chief City Prosecutor Claro Arellano, isasagawa sa loob lamang ng isang buwan ang preliminary investigation at kung may sapat na ebidensiya, kanila itong iaakyat sa QC Regional Trial Court.
Inihahanda na rin nila ang pagsasampa ng kasong administratibo laban kay Lim upang maipakita sa publiko na wala silang kinikilingan maging sinuman ito.
Sa katunayan umano ay may usapan sila ni Lim na magkikita subalit hindi ito dumating sa kanilang meeting place.
Pag-uusapan nila ang kaso dahil, ayon kay Arellano, hindi itinatanggi at hindi rin inaamin ni Lim ang akusasyon sa kanya ng katulong na si Dolly,19, tubong Agusan del Norte.
Matatandaan na sinabi ng biktima na paulit-ulit siyang ginahasa ni Lim simula noong Abril ng taong kasalukuyan sa loob mismo ng masters bedroom sa tahanan nito sa 134 Matatag St. Brgy. Central, Quezon City.
Naganap ang huling panghahalay noong nakalipas na Miyerkules sa servants quarter kung saan nahuli sila ng misis ng piskal.
Padadalhan na lamang ng subpoena si Lim sakaling mai-elevate sa korte ang kaso. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended