Korean tiklo sa 1 kilo ng shabu
November 23, 2002 | 12:00am
Dinakip ng pulisya sa isinagawang raid ang isang Korean na pitong taon nang ilegal na nananatili sa bansa na rito nakumpiska ang mahigit sa isang kilo ng shabu, kamakalawa ng gabi sa Pasig City.
Nakilala ang nadakip na si Tae Won Hong, alyas Francis, 45, tubong Seoul, South Korea at nangungupahan sa Parc Royale Condominium sa Jade St., Ortigas Center, Pasig City.
Nasamsam sa loob ng kanyang kuwarto ang isang malaking bag na naglalaman ng 1.146 kilo ng shabu, iba pang maliliit na pakete ng shabu, mga repacking materials at iba pang paraphernalias.
Nang arestuhin si Hong, ipinakita pa nito kay Chief Inspector Nelson Yabut, ng CIDG ang isang ID na nagpapakilalang siya ay isang confidential agent ng NBI.
Nang siyasatin ito ni Yabut, nabatid na hindi siya ang nasa larawan kundi isang San Jin Lee.
Tinangka pa nitong suhulan ang mga awtoridad ng P100,000 na tinanggihan ng mga pulis. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest