QC fiscal inireklamo ng rape ng maid
November 22, 2002 | 12:00am
Isang piskal na nakatalaga sa Quezon City Prosecutors Office (QCPO) ang inireklamo kahapon ng kanyang katulong na paulit-ulit na gumahasa sa kanya sa loob mismo ng tahanan ng huli sa Quezon City.
Si 4th Assistant City Prosecutor Antonio Lim, 59, ng 134 Matatag St., Barangay Central, Quezon City ay pormal nang kinasuhan ng biktima na itinago sa pangalang Dolly, 19, katulong sa bahay ng pamilya Lim.
Ayon sa biktima, sinimulan umano siyang halayin ng suspect noon pang Abril 15, ng taong kasalukuyan sa loob mismo ng masters bedroom hanggang sa maulit ito gabi-gabi lalo na nang umalis ang asawa nito patungong Estados Unidos.
Ang pinakahuli umano ay noon lamang nakalipas na Miyerkules sa servants quarter na dito nahuli ng misis ng piskal ang ginagawang panghahalay sa kanya.
Sa kabila pa umano ng kanyang paliwanag na puwersahan siyang hinahalay ng piskal, sa kanya pa nagalit ang misis nito at siya pa mismo ang sinaktan.
Sinabi pa ng biktima na hindi niya nagawang makapagsumbong dahil sa tinatakot siya ng among lalaki. Pinangambahan umano niyang kasuhan siya ng kung anu-ano sakaling magsumbong lalot nasa Agusan del Norte ang kanyang mga kamag-anak.
Kaugnay nito, tiniyak naman ni Chief City Prosecutor Claro Arellano na walang magaganap na whitewash sa kaso ni Lim.
Si Lim ay kasalukuyan pang pinaghahanap.(Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended