^

Metro

Dyaryong Bulgar pinagbabayad ng P11.7 milyon

-
Pinagbabayad ng halagang P11.7 milyon danyos ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang MVRS Publication, ang may-ari ng daily tabloid na "BULGAR" sa 64 empleyado nito bilang backwages at ibang benepisyo na binalewala ng nasabing kompanya.

Ito ay makaraang magbaba ng desisyon si DOLE-National Capital Region Director Alex Maraan na kumakatig sa isinumiteng reklamo ng mga empleyado na pinangungunahan nina Alex Diaz, correspondent; Nats Taboy, Editor in Chief at Almar Danguilan, Chief Reporter ng nasabing pahayagan.

Base sa pitong pahinang desisyon, ipinag-utos ng DOLE sa mag-asawang Rainier at Leonida Sison, publisher ng MVRS Publication na matatagpuan sa no. 534 Quezon Ave., Brgy. Sto. Domingo QC, na magbayad ng kaukulang P11,754,022.96 para sa kanilang mga empleyado bilang danyos perwisyos.

Sa desisyon, lumalabas na nagkaroon ng kapabayaan ang kompanya dahil sa hindi nito ginawa ang mga kawani bilang regular employees kaya’t hindi nito binigyan ng kaukulang benepisyo tulad ng backwages, holiday pay simula noong 1999 na maliwanag na paglabag sa Labor Law.

Iginiit ng mga manggagawa ng Bulgar na nararapat lamang silang makatanggap ng mga nasabing benepisyo dahil na rin sa tagal ng kanilang serbisyo sa pahayagan kung saan ang iba ay umabot na ng 11 taon. (Ulat ni Doris M. Franche)

ALEX DIAZ

ALMAR DANGUILAN

BRGY

CHIEF REPORTER

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

DORIS M

LABOR LAW

LEONIDA SISON

NATIONAL CAPITAL REGION DIRECTOR ALEX MARAAN

NATS TABOY

QUEZON AVE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with