Station commander sa WPD inireklamo ng pananampal
November 20, 2002 | 12:00am
Isang station commander sa Western Police District (WPD) ang inireklamo ng pananampal ng isang tauhan naman sa Mobile Unit, kahapon ng madaling araw sa United Nations Avenue sa Manila.
Ayon sa ulat, galit na galit umano na nagtungo si Supt. Manolo Martinez, WPD Station 9 commander sa WPD Mobile Unit at doon ay kinompronta si PO2 Mariano Ruedas na humantong pa sa pananampal.
Sinasabing ang gusot ay nagsimula makaraang hulihin ni Ruedas ang isang Randy Garcia ng SPA Subdivision, Muntinlupa City sa kasong pag-ihi sa pampublikong lugar at pagmamaneho ng walang lisensiya sa kahabaan ng Gen. Luna at Taft Avenue pasado alas-12 ng madaling araw.
Dinala umano ito ni Ruedas sa himpilan ng Mobile Unit. Sa himpilan ng pulisya tumawag umano ang kasamang babae ni Garcia kay Ret. Gen. Ernesto Diokno na namagitan. Habang inaayos ang release ni Garcia ay siya namang pagdating ni Martinez na amoy alak at agad umanong dinisarmahan si Ruedas at saka sinampal.
Pinangaralan pa umano ni Martinez si Ruedas ng ganito: " Kailan ka ba nagpulis, iba ang samahan naming mga pulis-Maynila, umihi at walang lisensiya ay pinagbibigyan namin, bobo, sa susunod papatayin na kita".
Sa panig naman ni Martinez, itinanggi nito na sinampal niya si Ruedas kundi tinabig lamang umano niya ito dahil sa pagiging bastos at walang modo. Idinagdag pa nito na plano umanong kotongan ni Ruedas si Garcia kung kaya sa madilim na bahagi ito kinausap.
"Nakakahiya dahil isang bahid na naman ito sa kapulisan, pero bastos talaga siya at walang modo sa isang opisyal", dagdag naman ni Martinez. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am