Kinilala ang suspect na si Felipe Vidar Jr., 36, residente ng 1858 Oro B. Estrada St., Sta. Ana, Maynila.
Sinabi ng biktimang si Aiza (di-tunay na pangalan), naganap ang panghahalay habang natutulog siya at ang kanyang mga magulang at kapatid na lalaki sa kanilang kama dakong alas-11 ng gabi noong Nobyembre 10.
Nabatid na nagising ang biktima nang halikan ito ng suspect sa kanyang mga labi at nang makita nito ang suspect ay nasa kama rin nila sa pagitan niya at kapatid na si Omar ay tinangka nitong umalis subalit hindi niya nagawang gisingin ang kanyang kapatid.
"Masakit po ang kaselanan ko pero hindi ko po nagawang sumigaw dahil natatakot ako na saktan niya," ani pa ng biktima.
Ngunit dahil sa tindi ng pagnanasa, nahulog sa kama ang suspect at dahil sa kalabog, nagising ang mga magulang ng biktima na nag-akalang ang kanyang kapatid na matanda ang nahulog sa kama subalit natuklasan din na ang suspect ang nahulog sa kama matapos magsalita ang kanyang kuya. (Ulat ni Grace dela Cruz)