5 pang artista, tinaningan ng BI
November 16, 2002 | 12:00am
Sampung araw na ultimatum ang ipinalabas ng Bureau of Immigration (BI) laban sa limang foreign actors at actresses upang lumutang sa nasabing ahensya dahil kung hindi, ipapaaresto ang mga ito sa salang illegal na pagtatrabaho sa bansa.
Ayon kay Immigration Commissioner Andrea Domingo, binigyan nito ng ultimatum sina Belinda Panelo, Anne Curtis, Greg Martin, Jeff Rodriguez at Leila Guzman ng 10 araw upang personal na sagutin ang summon ng bureau hanggang sa Nov. 27 o bago ang nasabing araw.
Sinabi ni Domingo kung hindi magpapakita ang mga nabanggit na mga artista, mapipilitang arestuhin ang mga ito at isasailalim sa deportation proceedings.
Idinagdag ni Domingo na nakapagbigay na ng summon ang bureau sa mga nasabing artista na mahigit sa isang linggo na ang nakakalipas ngunit hindi pa lumulutang ang mga ito sa kanyang ahensiya at mag-report sa committee ng bureau na pinamumunuan ni BI Executive director Roy Almoro dahil sa pagiging illegal performing artist ng mga ito hanggang sa kasalukuyan. (Ulat ni Jhay Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended