Mayor Fresnedi kinasuhan ng land grabbing
November 16, 2002 | 12:00am
Sinampahan ng kaso si Muntinlupa Mayor Jaime Fresnedi at ang iba niyang mga kasamahan dahil sa umanoy pangangamkam ng mahigit sa 5,000 metro kuadradong lupa sa naturang lungsod.
Ang kaso laban kay Mayor ay iniharap ng mga anak ng yumaong si Don Anacleto Madrigal Acopiado at ATO 1 Transportation Services Inc. sa Muntinlupa Regional Trial Court Branch 207.
Ayon sa complaint, puwersahang pinaalis ni Fresnedi sa pamamagitan ng paggamit sa mga armadong pulis ang mga tauhan ng ATO1 Transportation Sevices Inc. na kinabibilangan ng mga drivers at apat na mga security guards na siyang nagbabantay sa naturang lupa ang dinisarmahan ng mga pulis.
Hinarangan, binarikadahan ang mga daan ng mga tauhan ni Fresnedi at sila na ang nag-operate sa Alabang Central Terminal.
Ayon sa tagapag-salita na si Celso Satuito na hindi pag-aari ng Muntinlupa ang lupang ito kundi itoy pag-aari ng angkang Acopiado. At noong Pebrero 21, 2001 na-execute ang Deed of Donation para sa ATO.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended