Mga mag-aaral nagrali vs curfew sa Maynila
November 15, 2002 | 12:00am
Kauumpisa pa lamang ipaimplimenta ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang curfew sa mga kabataan noong Miyerkules ng gabi, kahapon ay nagsimula na rin itong batikusin partikular na ng mga kabataang mag-aaral sa nasabing lungsod.
Kahapon dumagsa ang nasabing mga mag-aaral sa likod ng Manila City hall at nagsagawa ng pagrarali. Doon ay binatikos nila ang ipinatutupad na Ordinansang 8046 dahil sa pangambang ang ganitong mga batas ay pagpapakita na unti-unting pagbabalik sa martial rule.
Ayon kay Vencer Crisostomo, chairman ng grupo na lilikha lamang ito ng takot sa puso ng kabataan bukod pa sa nasasagasaan ng kautusan ang kanilang civil liberties.
Magugunitang sinimulan nang ipatupad noong Miyerkules ng gabi ang curfew sa mga kabataan na may edad na 17-anyos pababa sa lahat ng distrito sa Maynila.
Samantala, pagkatapos ng Maynila, isusulong din ng pamahalaang lungsod ng Pasig City ang pagpapatupad ng curfew sa mga kabataan.
Ito ang inihayag kahapon ni Pasig City Mayor Soledad Eusebio, kasabay nang pagsasabing layunin nito na masiguro ang kaligtasan ng mga kabataan na may edad 17-anyos pababa.
Sinabi pa ng lady mayor na hangad din nilang ipatupad ang curfew sa mga kabataan sa lahat ng barangay, kaya isinusulong na ang isang ordinansa ukol dito.
Gaya din ng ipinapatupad sa Maynila, magsisimula rin ito ganap na alas-10 ng gabi at magtatapos dakong alas-4 ng madaling araw kinabukasan.(Ulat nina Andi Garcia at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended