Kawani ng Korean Embassy todas sa 2 karnaper
November 15, 2002 | 12:00am
Isang 37-anyos na empleyado ng Korean Embassy ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng dalawang hindi nakikilalang mga suspect na kumarnap pa sa sasakyan ng biktima, kahapon ng madaling araw sa Quezon City.
Nakilala ang nasawing biktima na si Renato Mendoza, tubong Sorsogon at naninirahan sa Pembo, Makati City.
Ang biktima ay nagtamo ng isang tama ng bala ng baril sa ulo at isa pa sa kaliwang braso.
Batay sa ulat ng CID, naganap ang insidente dakong alas-2 ng madaling araw sa harap ng isang Rommels Billiard Hall sa Timog Avenue, Brgy. East Triangle, Quezon City.
Nabatid na nakasakay na sa kanyang kulay pulang Toyota Revo ang biktima ng biglang lapitan ng dalawang hindi nakikilalang kalalakihan.
Pilit na kinukuha ng mga suspect ang susi sa biktima subalit tumanggi ito.
Dahil dito, agad na binaril ng mga suspect ang biktima.
Nang lumupasay na sa lupa ang biktima ay dali-dali namang dinala ng mga suspect ang sasakyan nito at saka tuluyang tumakas.
Samantala, patay na nang idating sa Delgado Hospital ang biktima.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya ukol dito. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended