Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Quezon City Metropolitan Trial Court Judge Ma. Eliza Sempio Diayway ng Branch 34, inaresto ni SPO4 Crisanto Lamsin si Atty. Restituto de Guzman dahil sa limang counts ng kasong grave coercion.
Ang pagdampot kay de Guzman ay bunsod ng kasong isinampa ng mga complainant na sina Romelo Udtujan, Delgado Montemayor, Eric Bautista, Gerald Cosme at Rolin Liteo, pawang taga Gen. Luna St., Intramuros, Maynila.
Sa kanyang panig binanggit ni de Guzman na wala siyang nalalamang kaso at hindi niya alam kung bakit siya hinuli. Pansamantala namang piniit sa QC Hall Police bloc si Atty. de Guzman. (Ulat ni Angie dela Cruz)