Pulis hindi pinapasuweldo nangholdap sa bus
November 15, 2002 | 12:00am
Dahil umano sa limang buwan nang hindi pinapasuweldo ng pamunuan ng Phil. National Police (PNP), nagawa ng isang pulis na mangholdap sa isang pampasaherong bus, kamakalawa ng gabi sa Makati City.
Ang suspect na hindi nagtagumpay sa kanyang panghoholdap at nadakip pa ng kapwa niya pulis ay nakilalang si PO3 Elias Villon, 50, ng Sampaguita Village, San Pedro, Laguna at nakatalaga sa Valenzuela City Police.
Ang biktima ay nakilala namang si Eleanor Carriedo, 32, ng Brgy. San Antonio Village, Makati City.
Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-8:15 kamakalawa ng gabi habang ang bus na sinasakyan ng suspect at biktima na isang Carlon Joycel Bus Lines ay bumabagtas sa kahabaan ng Ayala Avenue ng nabanggit na lungsod.
Bigla na lamang umanong tinutukan ng suspect ang ginang at saka nagdeklara ng holdap.
Dahil naman sa pag-aakala ng biktima na baril-barilan ang tinutok sa kanya ng suspect ay buong tapang niya itong hinamon na paputukin ang baril, gayunman hindi naman ito mapaputok ng suspect.
Dahil dito, nagsisigaw ang biktima hanggang sa magkaroon ng komosyon sa loob ng bus at nakatawag pansin sa mga nagpapatrulyang pulis.
Agad na nadakip ang suspect at nakumpiska dito ang isang .38 cal. at limang bala.
Ikinatuwiran ng suspect na kaya niya nagawa ang mangholdap ay dahil sa kapos na siya sa buhay at hindi pa sumusuweldo.
Nabatid na naka- AWOL naman ang suspect makaraang hindi na ito pumasok sa trabaho nang ilipat ito sa malayong assignment.(Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended