Mga alagang hayop sa Marikina ipaparehistro
November 14, 2002 | 12:00am
Upang maiwasan ang pagkalat ng rabies, oobligahin na ng pamahalaang lokal ng Marikina City ang kanilang mga residente na iparehistro ang mga alagang hayop na magkakaroon ng mga name tag.
Batay sa Pet Registration Act o Animal Code 2002 na isinusulong ni Councilor Jose Capiz ang lahat ng mga residente na may alagang hayop ay kailangan na iparehistro sa Animal Protection and Control Office na ilalagay sa Marikina City Hall.
Kabilang naman sa mga hayop na dapat na iparehistro ay ang mga aso, pusa, ibon, unggoy, rabbit at ahas.
Nilalayon ng nasabing Pet Registration Act na maiwasan ang paglabuy-laboy sa mga lansangan sa lungsod ng mga alagang hayop habang sa pamamagitan naman ng mga name tag ng mga ito ay madaling matutukoy kung sino ang mga may-ari ng naturang mga hayop.
Nabatid na ang pagpaparehistro ay may kaukulang bayad na P60 para sa bawat hayop kung saan bibigyan naman ang mga nakarehistrong hayop ng name tag at registration number. Ang mga aso at pusa ay dapat na isailalim sa anti-rabbies vaccination bago pa man payagan na makapagrehistro.
Sinabi pa ni Capiz sa pamamagitan ng nasabing panukalang batas ay magiging responsable ang mga may alagang hayop, gayundin din mabibigyan ng proteksyon ang mga residente na posibleng makagat ng mga hayop.
Sa pagpaparehistro ang mga pet owners ay kailangan lamang na magdala ng barangay certificate at dalawang ID pictures upang mapadali ang proseso. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended