^

Metro

Pekeng DAR official, arestado sa entrapment

-
Isang hao-shiao na diyarista at nagpapanggap pang opisyal ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang dinakip ng pulisya kamakalawa ng hapon sa entrapment operation dahil sa pagbebenta ng mga lupa na may pekeng dokumento.

Nakilala ang nadakip na suspect na si Edgardo Berganio Jr. ng #393 MS Garcia St., Purok 6, Cabanatuan City.

Inireklamo ito ng kanyang mga nabiktima na sina Pedro Mendoza, Teoderico Mendoza, Feliciano Olimum at Conrado Vicho, mga residente ng Brgy. San Isidro, Lupao ng naturang lalawigan.

Sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), naganap ang entrapment operation sa lugar ng mga biktima matapos na bumalik ang suspect sa kanyang paniningil sa mga bayad sa lote ng mga ito.

Ayon sa mga biktima, lumapit umano sa kanila si Berganio at nagpakilalang isang opisyal ng DAR at malapit na kaibigan ni Secretary Hernani Braganza at suma-sideline din umano bilang isang mamamahayag sa diyaryo.

Dahil sa matamis nitong pananalita at pagpapakita ng mga pekeng dokumento, napaniwala ng suspect ang mga biktima kaya nabentahan niya ang mga ito ng lupa sa murang halaga.

Inialok umano ng suspect ang mga ito ng mga lote na may sukat na 3,000 hanggang 17,000 square meters noong nakaraang Oktubre. Siningil naman nito ang mga biktima ng inisyal na deposito na P8,000 bawat isa ngunit muling humiling ng tig-P1,410.

Dito naman nagduda ang mga biktima kung saan dumulog sila sa tanggapan ng DAR Region III at nadiskubre na wala silang opisyal na Berganio at peke rin ang naturang mga dokumento.

Dito na nakipag-ugnayan ang mga biktima sa pulisya kung saan nagplano ng isang entrapment operation na kinagat naman ng suspect kaya nadakip ito. (Ulat ni Danilo Garcia)

BERGANIO

CABANATUAN CITY

CONRADO VICHO

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM

DITO

EDGARDO BERGANIO JR.

FELICIANO OLIMUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with