Ipis sahog sa lugaw, nanguya
November 13, 2002 | 12:00am
Galit na galit na nagtungo sa himpilan ng pulisya ang isang kostumer ng Goto King na nasa EDSA Kamias, Quezon City makaraang makakain ng ipis na nakasahog sa kinain nitong lugaw sa nabanggit na food chain.
Halos nagsusukang nagreklamo sa Kamuning Police Station ang complainant na si Jerry Magaluan, 36, realtor ng Asian Pacific Group of Companies at residente ng Bauan, Batangas nang malasahan ang ipis na nakain niya sa mainit na lugaw.
Sa reklamo ni Magaluan, dakong alas-6:10 ng gabi kamakalawa ng magkayayaan sila ng mga kasamahan sa trabaho na nakilalang sina Nilo Fronda, Marivic Mendoza at ilan pang kaibigan na kumain sa Goto King sa EDSA Kamias.
Sa pagsubo umano niya sa mainit na lugaw ay bigla na lamang siyang natigilan nang may lumangitngit sa kanyang bibig na kanyang nakagat at naiiba ang panlasa.
Agad na iniluwa nito ang nanguyang bagay at halos kilabutan siya nang makitang ipis ang kanyang nakain kayat agad siyang nagtungo sa comfort room at doon tuluyan siyang nasuka.
Isang Lovely Rento, supervisor ng Goto King ang humingi ng dispensa at nagsabing aaksiyunan nila ang kapabayaan ng kanilang waitress at cook.
Sinabi naman ni Magaluan na dapat mainspeksyon ng Quezon City Sanitary Division ang naturang food chain para hindi na maulit ang ganitong kapabayaan.(Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended