Kaugnay nito, inihayag kahapon ni Caloocan High School acting administrative officer at Physics teacher Dario Rebuelta na nagsagawa na kahapon ng umaga ng tatlong oras na fumugation at sinundan pa ito bandang alas-3 ng hapon sa buong paligid ng nasabing eskuwelahan na may kabuuang bilang ng mga estudyante na aabot sa 30,000 upang mapigilan ang pagkalat pa ng sakit na dengue.
Ayon kay Rebuelta, naalarma sila sa mabilis na pagdami ng bilang ng estudyanteng nagkakasakit ng dengue buhat nang mag-umpisa ang tag-ulan kung saan nagdudulot ito ng pagbaha at mga di-natutuyong tubig-baha sa mga lansangan, estero at mga water drainage na pinamumugaran ng lamok na nagdudulot ng dengue virus.
Bukod dito, nakadaragdag din umano sa pagdami ng lamok ang hindi nahahakot at nakaimbak na basura sa paligid ng paaralan kung kayat kinakailangan na ang maagap na proteksyon para sa kalusugan ng mga estudyante. (Ulat ni Rose Tamayo)