^

Metro

Dengue outbreak sa school sa Caloocan pinangangambahan

-
Pinangangambahan ang pagkakaroon ng "dengue outbreak" sa pinakamalaking eskuwelahan sa Caloocan City matapos na dapuan ng nasabing mapinsalang sakit ang karamihan sa mga estudyante rito bunsod ng patuloy na pagbuhos ng ulan at mga basurang hindi nahahakot sa paligid nito.

Kaugnay nito, inihayag kahapon ni Caloocan High School acting administrative officer at Physics teacher Dario Rebuelta na nagsagawa na kahapon ng umaga ng tatlong oras na fumugation at sinundan pa ito bandang alas-3 ng hapon sa buong paligid ng nasabing eskuwelahan na may kabuuang bilang ng mga estudyante na aabot sa 30,000 upang mapigilan ang pagkalat pa ng sakit na dengue.

Ayon kay Rebuelta, naalarma sila sa mabilis na pagdami ng bilang ng estudyanteng nagkakasakit ng dengue buhat nang mag-umpisa ang tag-ulan kung saan nagdudulot ito ng pagbaha at mga di-natutuyong tubig-baha sa mga lansangan, estero at mga water drainage na pinamumugaran ng lamok na nagdudulot ng dengue virus.

Bukod dito, nakadaragdag din umano sa pagdami ng lamok ang hindi nahahakot at nakaimbak na basura sa paligid ng paaralan kung kaya’t kinakailangan na ang maagap na proteksyon para sa kalusugan ng mga estudyante. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

AYON

BUKOD

CALOOCAN CITY

CALOOCAN HIGH SCHOOL

DARIO REBUELTA

KAUGNAY

PINANGANGAMBAHAN

REBUELTA

ROSE TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with