Bukod sa dalawa, hindi rin nakarating si NCRPO chief Deputy Director General Reynaldo Velasco at sa halip ang kinatawan nito na si Chief Supt. Nicolas Pasinos Jr. ang siyang dumating.
Nagsimula ang presentasyon dakong alas-8 ng gabi sa WPD headquarters dahil na rin sa kahihintay sa mga special guests na hindi naman nag-apir.
Sa kanyang presentasyon, sinabi ni Bulaong na may kabuuang 1,007 kaso ang kanilang nalutas sa kabuuang 1,058 na krimeng naganap mula noong buwan ng Hulyo.
Nadoble pa ang malas sa isinagawang presentasyon nang biglang mawalan ng kuryente kayat ipinasya na lamang ni Bulaong na tapusin na ang pagdiriwang.
Bunga nang pag-isnab ng mga matataas na opisyal ng PNP sa naturang okasyon, umugong ang haka-haka na sadyang hindi malapit sa mga PMAer na opisyal sa antigong pulis ng WPD. (Ulat ni Grace dela Cruz)