Ayon sa pulisya, dakong alas-4:30 ng madaling araw nang matagpuan ang kaliwang putol na hita ng isang tao na posibleng biktima ng salvage sa harap ng Lung Center sa Quezon Avenue.
Isang security guard na nakilalang si Almer Anigig ang nakakita sa putol na hita na halos umaagos pa ang dugo at pinaniniwalaang kapuputol pa lamang.
Posibleng sa ibang lugar isinagawa ang krimen at itinapon na lamang sa nakuhanang lugar ang pinutol na hita.
Isang masusing imbestigasyon pa rin ang isinasagawa ng pulisya ukol dito. (Ulat ni Doris Franche)