Sa ulat, dakong alas-8 ng gabi nang raidin ng Caloocan City police follow-up division ang Ajo Eatery at Alcaline na nasa Sangandaan ng nasabing lungsod at sinasabing pag-aari ng isang Aling Gloria at Aling Rowena.,
Nabatid na isang text message mula sa isang concern citizen ang ipinadala sa PNP-text-a-crime patungkol sa umanoy talamak na bentahan ng laman sa nasabing establisimento.
Agad na tiniktikan ng pulisya ang nasabing lugar at nang makumpirma ay mabilis itong sinalakay. Ilan pang kabataan ang naaktuhang nakikipagtalik sa kanilang mga kostumer.
Nabatid na galing sa mga probinsiya ang mga kababaihan na nagtatrabaho sa nasabing establisimento at matapos na pangakuan ng malaking sahod ay isinadlak sa prostitusyon.
Pinaghahanap ng pulisya sina Aling Gloria at Aling Rowena upang papanagutin sa kasong white slavery. (Ulat ni Rose Tamayo)