^

Metro

Casa sa Caloocan City sinalakay

-
Labing-isang kabataang babae ang nasagip ng mga awtoridad sa isang prostitution den, matapos na salakayin ito kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Sa ulat, dakong alas-8 ng gabi nang raidin ng Caloocan City police follow-up division ang Ajo Eatery at Alcaline na nasa Sangandaan ng nasabing lungsod at sinasabing pag-aari ng isang Aling Gloria at Aling Rowena.,

Nabatid na isang text message mula sa isang concern citizen ang ipinadala sa PNP-text-a-crime patungkol sa umano’y talamak na bentahan ng laman sa nasabing establisimento.

Agad na tiniktikan ng pulisya ang nasabing lugar at nang makumpirma ay mabilis itong sinalakay. Ilan pang kabataan ang naaktuhang nakikipagtalik sa kanilang mga kostumer.

Nabatid na galing sa mga probinsiya ang mga kababaihan na nagtatrabaho sa nasabing establisimento at matapos na pangakuan ng malaking sahod ay isinadlak sa prostitusyon.

Pinaghahanap ng pulisya sina Aling Gloria at Aling Rowena upang papanagutin sa kasong white slavery. (Ulat ni Rose Tamayo)

AJO EATERY

ALCALINE

ALING GLORIA

ALING ROWENA

CALOOCAN CITY

ILAN

LABING

NABATID

PINAGHAHANAP

ROSE TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with