^

Metro

VCD nina Sunshine at Jay parang 'hotcakes' ang bentahan sa Greenhills

-
Talamak ang lihim na bentahan ng piniratang unedited VCD tapes ng "Dukot Queen" ni Sunshine Cruz at Jay Manalo sa Greenhills Shopping Center sa San Juan, Metro Manila.

Ito’y sa kabila ng mahigpit na kampanya ng Videogram and Regulatory Board (VRB) laban sa naglipanang pirated VCDs sa bansa partikular na sa Metro Manila.

Nauna nang iprinotesta ni Cesar Montano, asawa ng sexy actress ang nagkalat na VCDs ng nabanggit na pelikula kaya’t binili niya ng malaking halaga ang rights sa producer nito para di na kumalat pa ang ‘unedited version’ ng nasabing sexy movie.

Ayon sa ilang sources, mistulang hotcakes ang bentahan ng hindi na-edit na VCD tapes kung saan topseller umano ito sa naturang shopping centers.

Pabulong o palihim lamang ang ginagawa ngayong bentahan dahil na rin sa mga isinasagawang raid ng VRB. Tinatayang 50 hanggang 150 kopya ang naibebenta ng mga tiwaling vendors kada araw sa kabila na hindi na ito idinidisplay sa kanilang mga stalls. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

AYON

CESAR MONTANO

DUKOT QUEEN

GREENHILLS SHOPPING CENTER

JAY MANALO

JOY CANTOS

METRO MANILA

SAN JUAN

SUNSHINE CRUZ

VIDEOGRAM AND REGULATORY BOARD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with