2 dinukot ng Tsinoy kakasuhan pa ng WPD
November 9, 2002 | 12:00am
Posibleng sampahan ng kasong kriminal ng pamunuan ng WPD ang dalawang trader na Tsinoy na nagdadawit sa 8 pulis-Maynila na umanoy dumukot at humingi sa kanila ng P3 milyong ransom.
Ayon kay WPD Spokesman Chief Inspector Gerry Agunod, malaki ang posibilidad na magsampa sila ng kaso laban sa mga negosyanteng sina Jimmy Ong at Kelvin Kho na nauna nang napaulat na dinukot umano nina SPO4 Rodolfo Rival; SPO2 Dematera; SPO2 Teodoro Retuta; SPO2 Leonardo Santos; PO3 Robert Sena at PO3 Rommel Baylon sa Binondo, Maynila.
Binanggit ni Agunod na bibigyan nila ng isang linggo ang dalawang complainant para pormal na magharap ng reklamo laban sa mga binabanggit nilang mga pulis na kumidnap sa kanila kung hindi sila ang bubuwelta at magkakaso sa mga ito.
"Mahirap namang idawit ang pangalan ng mga pulis, pero ayaw namang magsampa ng kaso, paano naman malalaman kung totoo ang ganitong mga paratang," pahayag pa ni Agunod. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest