Lolo nag-suicide, tumalon sa 2nd level parking ng Megamall
November 9, 2002 | 12:00am
Dumayo pa sa SM Megamall para mag-suicide ang isang 62-anyos na lolo matapos itong tumalon mula sa 2nd level ng parking lot ng nasabing mall sa Mandaluyong City, kahapon.
Nakilala ang nasawi na si Henry Cueyeh, ng 21 Alber St., San Juan, Metro Manila.
Binawian ito ng buhay habang ginagamot sa Medical City matapos mabasag ang bungo at magkabali-bali ang buto sa insidente.
Lumikha naman ng matinding tensyon sa mga shoppers ang pangyayari nang marinig ang malakas na pagbagsak at sigawan ng mga taong nakasaksi sa insidente.
Sinabi ni Chief Inspector Godofredo Velasco, hepe ng Police Community Precint 4 ng Mandaluyong Police naganap ang insidente dakong alas-11:15 ng umaga sa parking lot ng Building A ng nasabing shopping mall.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, pinaniniwalaang nag-park ng kanyang kotse si Cueyeh sa nasabing parking area subalit hindi mabatid ng pulisya kung anong oras pumasok sa mall ang biktima.
Kasalukuyan namang nakikipag-koordinasyon ang pulisya sa pamilya ng nasawi para mabatid kung ano ang posibleng dahilan sa pagpapatiwakal nito.
Gayunman, hindi inaalis ng pulisya ang anggulong may naganap na foul play sa insidente dahil na rin sa kaduda-dudang dumayo pa ito sa mall at doon nagpakamatay.
Kumakalap pa rin sila ng impormasyon sa ilang testigo na nakasaksi sa ginawang pagtalon nito. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 24, 2024 - 12:00am