Dead-on-the-spot ang suspect na si Gerardo Alcantara y Macalde, 32, binata, ng 1670 A. Bonifacio Drive, Brgy. Balingasa, matapos na magtamo ng 12 tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Kasalukuyan namang ginagamot sa Chinese General Hospital si PO2 Noel Bautista na nakatalaga sa CPD Station 1 matapos na saksakin ng suspect ng isang sibat na umanoy may cyanide.
Lumilitaw sa imbestigasyon ni PO2 Jun Mortel ng CPD-Criminal Investigation Unit (CIU) na naganap ang insidente dakong alas-2:15 ng hapon sa loob mismo ng bahay ng suspect.
Nagwawala ang suspect kaya nagresponde ang mga pulis.
Dahil dito, tinangka ng mga pulis na pigilan ang suspect subalit mabilis nitong nasaksak si Bautista.
Bunga nito, pinagbabaril ng mga pulis si Alcantara hanggang sa bumulagta. (Ulat ni Doris Franche)