^

Metro

Amok: 1 patay, pulis sugatan

-
Pinagbabaril hanggang sa napatay ng mga tauhan ng Central Police District (CPD) ang isang lalaki na nag-amok at sumaksak sa isang pulis kahapon ng hapon sa Brgy. Balingasa, Quezon City.

Dead-on-the-spot ang suspect na si Gerardo Alcantara y Macalde, 32, binata, ng 1670 A. Bonifacio Drive, Brgy. Balingasa, matapos na magtamo ng 12 tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Kasalukuyan namang ginagamot sa Chinese General Hospital si PO2 Noel Bautista na nakatalaga sa CPD Station 1 matapos na saksakin ng suspect ng isang sibat na umano’y may cyanide.

Lumilitaw sa imbestigasyon ni PO2 Jun Mortel ng CPD-Criminal Investigation Unit (CIU) na naganap ang insidente dakong alas-2:15 ng hapon sa loob mismo ng bahay ng suspect.

Nagwawala ang suspect kaya nagresponde ang mga pulis.

Dahil dito, tinangka ng mga pulis na pigilan ang suspect subalit mabilis nitong nasaksak si Bautista.

Bunga nito, pinagbabaril ng mga pulis si Alcantara hanggang sa bumulagta. (Ulat ni Doris Franche)

BALINGASA

BRGY

CENTRAL POLICE DISTRICT

CHINESE GENERAL HOSPITAL

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

DORIS FRANCHE

GERARDO ALCANTARA

JUN MORTEL

NOEL BAUTISTA

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with