^

Metro

Fil-Chinese, 2 Pinoy dawit sa gunrunning, timbog

-
Isang Filipino-Chinese at dalawa pang Pinoy na sangkot sa isang sindikato ng international gunrunning ang nadakip ng PNP-Civil Security Group sa isang operasyon, kamakalawa ng hapon sa Cubao, Quezon City.

Iprinisinta kahapon ang mga nasakoteng suspect na sina Philip Joey Yang, ng Sampaloc, Manila; Efren Tecson, ng San Antonio, Nueva Ecija; at Sofronio Tecson, ng Cubao, Quezon City, pawang aktibong kasapi ng local cell sa bansa ng naturang sindikato.

Pinaniniwalaang responsable ang mga ito sa pagpupuslit ng mga ninakaw na armas sa loob mismo ng storage ng Firearms and Explosives Division (FED) sa loob ng Camp Crame.

Sa ulat ng PNP-CSG, nabatid na nagagawang mailabas ng mga suspect ang mga nakaimbak na baril sa bodega ng FED dahil sa pakikipagsabwatan ng ilang tiwaling opisyal ng ahensiya. Sentro ang mga ito ngayon ng masusing imbestigasyon ng CSG upang matukoy ang mga ito.

Nasamsam sa pag-iingat ng mga suspect ang 10 9mm pistol at mga bala na pawang ninakaw sa bodega ng Kampo at hinihinalang iluluwas patungong Taiwan at Japan. Kasama rin dito ang isang maroon Tamaraw FX (TRX-992) at 10 aplikasyon para sa lisensiya ng mga baril.

Kaugnay nito, agad nang ipinag-utos kahapon ni PNP chief Gen. Hermogenes Ebdane ang pag-padlock ng lahat ng storage facility ng FED para sa kaukulang imbentaryo ng mga nakaimbak na armas.

Inaresto rin naman ang isang Romeo Palma kahapon ng umaga matapos na tangkaing suhulan ng P300,000 ang Case Officer for Operation ng "Golden Iron" para palayain ang tatlong suspect. Hawak ngayon ng pulisya ang naturang halaga upang gamiting ebidensiya laban dito. (Ulat ni Danllo Garcia)

CAMP CRAME

CASE OFFICER

CIVIL SECURITY GROUP

CUBAO

DANLLO GARCIA

EFREN TECSON

FIREARMS AND EXPLOSIVES DIVISION

GOLDEN IRON

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with