Bus bomber aaluking maging state witness
November 7, 2002 | 12:00am
Malaki ang posibilidad na gawing state witness ng Central Police District ang nadakip na bus bomber na si Jerry Minalang laban sa apat pa nitong kasamahan na sinasabing nagpaplanong magpapasabog sa ilang vital depot sa Metro Manila.
Ayon kay CPD director Senior Supt. Napoleon Castro, inalok nila si Minalang upang tumestigo laban sa apat pa nitong kasamahan na kasangkot din sa naganap na pagpapasabog sa Golden Highway Transit.
Ito rin aniya, ang magpapagaan ng kasong kanilang isinampa laban kay Minalang. Si Minalang ay magugunitang kinasuhan ng double murder at multiple frustrated murder sa Quezon City Prosecutors Office.
Sinabi ni Castro na hindi pa nila maaaring ibunyag ang pangalan ng apat pang suspect dahil nagsasagawa pa rin sila ng follow-up operation sa hide-out ng mga ito.
Sakaling pumayag si Minalang sa alok ng CPD, muli nilang pag-aaralan ang testimonya nito at pahayag na ibinigay sa WPD para malaman kung may kredibilidad ito laban sa naganap na pagpapasabog.
Ipinaliwanag pa ni Castro na layunin ng kanilang alok ay ang malaman kung sino at anong grupo ang nag-utos sa mga bomber para isagawa ang ganitong gawain. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended