^

Metro

2 bag ng ebidensiya sa shabu laboratory nawawala

-
Dalawang malalaking bag umano ng ebidensiya ang nawawala matapos na tangayin ng isang opisyal ng Parañaque Police na unang dumating sa ni-raid na super shabu laboratory sa nabanggit na lungsod noong nakalipas na Biyernes.

Isang source sa Camp Crame na humiling na huwag ng banggitin ang kanyang pangalan ang nagsabi na hindi umano nakasama sa ginawang imbentaryo sa mga nakumpiskang ebidensiya ang naturang dalawang malaking bag.

Matatandaan na sinalakay ng pulisya kasama ang mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang naturang mansyon na pag-aari ng mag-asawang Teddy at Cora Monasterio na dito nadiskubre ang laboratoryo ng shabu na sinasabing pinakamalaki sa bansa.

Naaresto rin sa ginawang raid ang Tsino na si Xuzi Bin Ong, habang nakatakas naman ang tunay na maintainer na si Kuang Tian Wei.

Sa isinagawang imbentaryo ng PDEA sa mga ebidensiya, lumalabas na ang nakuha lamang ng mga pulis ay 61 kilos ng ephedrine, isang pangunahing sangkap sa paggawa ng shabu, 40 gramo ng hinihinalang shabu at mga kagamitan.

Nabatid sa source na unang dumating sa lugar ang isang Major o Chief Inspector buhat sa Parañaque police na siyang nakitang tumangay sa dalawang bag ng ebidensiya.

Hindi naman matiyak kung shabu, pera o ibang ingredients ang laman ng nawawalang bag.

Samantala, kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang PDEA upang mabatid kung may kasong maisasampa sa mag-asawang Monasterio na nakipag-ugnayan na sa kanila.

Patuloy namang pinaghahanap si Wei na hiniling nila na palabasan ng hold-departure order ng BI.(Ulat ni Danilo Garcia)

BIYERNES

CAMP CRAME

CHIEF INSPECTOR

CORA MONASTERIO

DALAWANG

DANILO GARCIA

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

ISANG

KUANG TIAN WEI

XUZI BIN ONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with