^

Metro

Abogado ni Rod Strunk humirit sa DOJ

-
Nais ng mga abogado ni Rod Lauren Strunk na payagan ang kanilang kliyente na gamitin na lamang ang naunang testimonya nito bilang bahagi ng depense sa kasong pagpaslang sa beteranang aktres na si Nida Blanca.

Nabatid mula sa apat na pahinang compliance pleading na isinumite ni Atty. Nestor Lazaro, nais nitong gamitin na lamang ng DOJ- panel of prosecutors bilang counter affidavit ni Strunk ang naunang sinumpaang salaysay nito noong nakalipas na Disyembre 12, 2001 kung saan mariing itinanggi nito na sangkot siya sa pagpaslang sa aktres.

Ang nasabing counter-affidavit ay kailangan pa munang idaan sa embahada ng Pilipinas sa California upang si Strunk mismo ang personal na magsertipika na nanggaling sa kanya ang nabanggit na dokumento.

Hiniling pa ni Strunk na bigyan siya ng pagkakataon na maisumite ang kanyang kabuuang counter-affidavit sa oras na mapanumpaan niya ito sa embahada ng Pilipinas.

Samantala, sinabi naman ni State Prosector Aida Macapagal na maaari nilang tanggapin ang inihaing mosyon ni Strunk dahil ito ay ipinadala naman kahapon sa pamamagitan ng koreo at hindi naman ito lumampas sa itinakdang panahon ng prosekusyon.

Bukas (Nob. 7) na ang unang taong anibersaryo ng pagkapaslang sa aktres.

Si Strunk at ang pangunahing suspect na si Philip Medel ay ipinagharap na ng kasong parricide at murder ng National Bureau of Investigation (NBI). (Ulat ni Grace dela Cruz)

BUKAS

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NESTOR LAZARO

NIDA BLANCA

PHILIP MEDEL

PILIPINAS

ROD LAUREN STRUNK

SI STRUNK

STATE PROSECTOR AIDA MACAPAGAL

STRUNK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with