^

Metro

10 bomb threat kada araw tinutugunan ng WPD

-
Umaabot sa lima hanggang sampung tawag kada araw ang natatanggap ng bomb disposal unit ng Western Police District (WPD) upang respondehan ang mga kahina-hinalang package na pinangangambahang bomba sapul ng magsimula ang bomb scare sa Metro Manila.

Nito lamang nakalipas na Linggo ng gabi ay nakatanggap ng text messages ang pamunuan ng WPD kung saan sinasabing pasasabugin umano nila ang WPD headquarters at sinabi pa na isang pulis ang nagtanim ng bomba.

Kahapon naman ay isang balutan na may lamang mga lumang damit ang una nang iniulat na may lamang bomba ang iniwan sa may Zamora Bridge sa Beata, Pandacan, habang isang bote naman na hinihinalang sasabog ang natagpuan sa isang karinderya sa gate 17 ng Bureau of Customs.

Isang granada naman na buo pa at hindi natanggalan ng pin ang natagpuan sa may Quezon St., Don Bosco, Tondo, Maynila.

Samantala, binulabog din ng bomb threat ang sala ni Quezon City RTC Judge Monina Zenarosa ng Branch 89.

Isang tawag umano sa telepono ang natanggap ng isang empleyado ng nabanggit na Judge at nagsabing may bombang sasabog dito, gayunman ng siyasatin ito ng mga elemento ng bomb squad ay negatibo ang kuwarto sa bomba. (Ulat nina Grace dela Cruz at Angie dela Cruz)

BUREAU OF CUSTOMS

CRUZ

DON BOSCO

ISANG

JUDGE MONINA ZENAROSA

METRO MANILA

QUEZON CITY

QUEZON ST.

WESTERN POLICE DISTRICT

ZAMORA BRIDGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with