Ayon kay Dr. Allyn Sy, endocrinologist sa Cardinal Santos Hospitals sa Greenhills sa San Juan na bukod sa idudulot na iodine deficiency, ang madalas na pagkain ng goto (internal organ ng cattle) o hamburger ay posibleng pagsimulan ng toxic goiter.
"Ang thyroid hormones ng baka ay isang mabisang daan sa paglilipat ng sakit buhat sa hayop patungo sa tao", dagdag pa nito sa isinagawang weekly College of Physicians Health forum sa Annabels restaurant sa Quezon City.
Idinagdag pa nito na ilang food chains partikular na sa sidewalks ang inihahalo ang lamang-loob ng baka sa kanilang itinitindang goto bukod pa dito ang ilang bahagi sa leeg na nagtataglay ng mataas na thyroid hormones.
"Ginagawa nilang booster sa goto yung mga baka", dagdag pa nito.
Sa ibang paraan ang thyroid ng baka ay inihahalo sa mga hamburger patties, kaya ang epekto nito sa taong palakain ng goto ay iisa.
Ang goiter na laganap sa mga bulubundukin at coastal areas sa bansa ay sanhi ng deficiency o overdose sa iodine sa mga residente sa naturang lugar. (Ulat ni Perseus Echeminada)