^

Metro

Mag-utol na paslit hinalay ng tiyuhin

-
Isang 2-taong gulang na bata at ang 9-na buwang kapatid nito ang hinalay ng hayok nilang tiyuhin sa Sta. Ana, Maynila.

Personal na dumulog kahapon ng umaga sa WPD Childrens and Women’s Desk si Miriam Andanar, 22, dala ang dalawa niyang anak na sina Amy, 2 at Alice , 9-months old upang ipagharap ng reklamo ang kanyang half-brother na si Federico Quinto, 31, taxi driver ng Punta Sta. Ana, Manila.

Ayon kay Mirriam natuklasan lamang niya ang kahayukan ni Federico ng isang gabing magising siya sa iyak ng kanyang 9-na buwang sanggol.

Nakita niyang karga ito ng suspect. Sa una ay hindi niya pinansin dahil dati-dati na itong ginagawa ng kanyang kinakapatid, subalit nakita niya na nakapasok ang kamay ng suspect sa diaper ng kanyang anak.

Dagli siyang bumangon at kinuha ang kanyang anak at saka palihim na tiningnan ang ari ng bata at doon natuklasan niyang namamaga ito.

Positibo naman sa isinagawang eksaminasyon ng medico legal na may sugat sa ari ang dalawang bata.

Samantala, mabilis na dinakip ang rapist na tiyuhin na nakapiit ngayon sa WPD Integrated Jail. (Ulat ni Grace dela Cruz)

vuukle comment

AYON

CHILDRENS AND WOMEN

CRUZ

DAGLI

FEDERICO

FEDERICO QUINTO

INTEGRATED JAIL

ISANG

MIRIAM ANDANAR

PUNTA STA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with