5 dayuhan pinigil sa airport
November 5, 2002 | 12:00am
Hinarang ng Bureau of Immigration (BI) ang limang Middle Easterners na hinihinalang terorista kahapon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon kay BI Commissioner Andrea Domingo, ang limang dayuhan ay hinarang matapos bumaba sa NAIA sakay ng Oatar Airlines galing Qatar.
Ang limang dayuhan ay kinabibilangan ng apat na Eritreans at isang Yemeni. Nakilala ang mga ito na sina Abdal Hamid Abdala, Adel Ahmed Hussein, Sief Mohamoed Mohamednur at Nasser Mahmoud Idris at si Aimar Mohammed Abdullah.
Sinabi ni Domingo na kaagad na pinabalik ang limang dayuhan sa kanilang pinanggalingang bansa. Ilalagay sila sa blacklist ng BI at hindi na muling papayagang makapasok sa bansa.
Nabatid na hinarang ang limang dayuhan na pumasok sa bansa matapos na tangkain ng mga ito na itago ang kanilang titirhang lugar habang mananatili sa Maynila.
Apat umano sa mga ito ay nagsulat sa kanilang arrival cards na mananatili sila sa Diamond Hotel sa Manila subalit lumabas na gusto nilang mamalagi at magtuloy sa Baguio.
Mahigpit na minamatyagan ng BI ang aktibidades ng mga dayuhan lalu na ang mga nag-aapply ng student visas. (Ulat ni Jhay Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended