Bus operator binoga ng sariling utol, patay
November 5, 2002 | 12:00am
Hinihinalang ang hindi pagpapautang ang isa sa anggulong iniimbestigahan ngayon ng pulisya makaraang pagbabarilin hanggang sa mapatay ang isang negosyante ng kanyang nakakatandang kapatid na lalaki, kahapon ng madaling araw sa Parañaque City.
Patay na nang idating sa Makati Medical Center ang biktima na nakilalang si Paolo Clemente, 31, bus operator, ng Amsterdam St., Barangay Merville Subdivision ng nabanggit na lungsod sanhi ng maraming tama ng bala ng baril sa ibat-ibang bahagi ng katawan buhat sa 9mm na baril.
Samantala, mabilis namang tumakas ang suspect na kuya na nakilalang si Wilfredo Clemente, 40, ng Domingo St., Pasay City.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, naganap ang insidente dakong alas-2 kahapon ng madaling araw sa bahay mismo ng biktima sa nabanggit na lugar.
Bago naganap ang insidente nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa telepono ang magkapatid, pagkaraan ng ilang minuto dumating ang suspect sa bahay ng biktima na armado ng baril.
Walang sabi-sabing pinagbabaril ni Wilfredo ang nakababatang kapatid hanggang sa mapatay niya ito.
Malaki ang hinala ng pulisya na posibleng may kinalaman sa pera ang motibo sa isinagawang pagpaslang, gayunman patuloy na sinisiyasat ang insidente, gayundin ang pagtugis sa tumakas na suspect. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest