5 pa Intsik tugis sa shabu lab sa Parañaque
November 3, 2002 | 12:00am
Lima pang Chinese national ang pakay ngayon ng malawakang pagtugis ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Nabatid mula sa tanggapan nina PDEA P/Director General Anselmo Avenido Jr. at Metro Manila Police chief, Deputy Director General Reynaldo Velasco na pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad ang mga naturang personahe na nasa likod ng naturang operasyon ng shabu laboratory sa Parañaque City.
Bukod sa lima pang Intsik, ipatatawag ng Parañaque police ang may-ari ng bahay na ginawang laboratoryo ng shabu na si Teddy Monasterio matapos unang nadakip ng mga awtoridad si Bin Xu Zi alyas Crispin Xu, 39, may-asawa, Chinese national at residente ng Brgy. Tambo.
Si Bin ay nasakote dahilan sa pag-iingat ng 68 kilo ng ephedrine na sangkap sa paggawa ng shabu ng mga barangay police ng Brgy. Sun Valley matapos mapansin ang paghagis ng travelling bag na naglalaman ng shabu.
Sa isinagawang interogasyon sa suspek, nabatid ang kinaroroonan ng laboratoryo na mabilis namang sinalakay matapos makakuha ng search warrant na ipinalabas ni Executive Judge Helen Bautista Ricafort ng Parañaque City RTC Branch 26.
Ang naturang laboratoryo ay ang ika-apat sa mga sinalakay ng mga awtoridad na ang mga nauna ay matatagpuan sa San Juan, Quezon City at Pasig City. (Ulat nina Joy Cantos, Doris Franche at Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended