Dumalo sa halloween party, tinodas
November 2, 2002 | 12:00am
Walong saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan ang tinamo ng isang tricycle driver mula sa umanoy kanyang kaibigan matapos na dumalo sa halloween party kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Dead-on-arrival sa Malvar General Hospital ang biktimang si Rodolfo Celoza, 32, ng 2398 Area 6-B Nawasa Line, Brgy. Holy Spirit, QC, matapos itong pagsasaksakin ni Merlito dela Cruz, 24, pump operator, tubong Catanduanes, ng 1631 Area 7 Nawasa Line ng nasabi ring barangay.
Lumilitaw sa imbestigasyon ni SPO2 Rodrigo Barrameda ng Central Police District-Criminal Investigation Unit (CPD-CIU), naganap ang insidente dakong alas-8 ng gabi matapos na dumalo sa halloween party sa basketball court sa St. Michael St., Brgy. Holy Spirit ang biktima.
Bigla na lamang umanong pinagsasaksak ni dela Cruz ng kutsilyo si Celoza hanggang sa ito ay humandusay.
Bagamat itinanggi ng suspek ang pangyayari, ito ay positibong itinuro ng kapatid ng biktima na si Imelda. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended