Sa report na natanggap ng Southern Police District Office (SPDO) ang suspek ay nakilalang si Bin Xu Zi y Ong, 30, pansamantalang nakatira sa #501 Quirino Ave., Brgy. Tambo, lungsod na ito.
Nakumpiska rito ang nasabing sangkap sa paggawa ng shabu na nagkakahalaga ng multi-milyong piso.
Ayon kay SPO1 Reynaldo Lorzano ng Parañaque City police, naganap ang pagkaaresto sa suspek dakong alas-4:15 ng madaling-araw sa Purok Mangahan, Brgy. Sun Valley, Parañaque City.
May dala umanong travelling bag ang suspek habang sakay ng Mitsubishi Delica (XET-899) nang ito ay mamataan ng mga nagpapatrulyang barangay tanod.
Nagduda ang mga ito sa kahina-hinalang kilos ng suspek kayat agad nila itong sinita at nakumpiska ang naturang droga.
Napag-alaman pa na nais itago ng pamunuan ng Parañaque City police ang naturang kaso dahil may mahigpit umanong kautusan si Supt. Ruben Catabona, hepe ng naturang tanggapan na huwag itong "i-leak" sa media. (Ulat ni Lordeth Bonilla)