^

Metro

Chinese national tiklo sa 5 kilong ephedrine

-
Isang Chinese national na pinaniniwalaang miyembro ng isang malaking sindikato ng droga ang nadakip ng pulisya makaraang makumpiska rito ang limang kilo ng ephedrine na sangkap sa paggawa ng shabu kahapon ng madaling-araw sa Parañaque City.

Sa report na natanggap ng Southern Police District Office (SPDO) ang suspek ay nakilalang si Bin Xu Zi y Ong, 30, pansamantalang nakatira sa #501 Quirino Ave., Brgy. Tambo, lungsod na ito.

Nakumpiska rito ang nasabing sangkap sa paggawa ng shabu na nagkakahalaga ng multi-milyong piso.

Ayon kay SPO1 Reynaldo Lorzano ng Parañaque City police, naganap ang pagkaaresto sa suspek dakong alas-4:15 ng madaling-araw sa Purok Mangahan, Brgy. Sun Valley, Parañaque City.

May dala umanong travelling bag ang suspek habang sakay ng Mitsubishi Delica (XET-899) nang ito ay mamataan ng mga nagpapatrulyang barangay tanod.

Nagduda ang mga ito sa kahina-hinalang kilos ng suspek kaya’t agad nila itong sinita at nakumpiska ang naturang droga.

Napag-alaman pa na nais itago ng pamunuan ng Parañaque City police ang naturang kaso dahil may mahigpit umanong kautusan si Supt. Ruben Catabona, hepe ng naturang tanggapan na huwag itong "i-leak" sa media. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BIN XU ZI

BRGY

ISANG CHINESE

LORDETH BONILLA

MITSUBISHI DELICA

PUROK MANGAHAN

QUIRINO AVE

REYNALDO LORZANO

RUBEN CATABONA

SOUTHERN POLICE DISTRICT OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with