^

Metro

May multo sa mobile car ng WPD!

-
Alam ba ninyong isang mobile car ng Western Police District (WPD) ang tinatanggihang sakyan o ipatrulya ng maraming pulis sa nabanggit na himpilan.

Ang dahilan, ito umano ay pinamamahayan ng multo.

Ayon sa isang pulis na nakadestino sa Mobile Division ng WPD, sinabi nito na halos sa lahat ng pulis ay nagparamdam ang multo o espiritu sa nasabing mobile car.

Hindi na nito binanggit ang plaka at body number ng naturang mobile car para hindi na malaman ng mga bagitong pulis at hindi mahintakutan.

Hindi lang umano sa ‘Araw ng mga Patay’ nagpaparamdam ang multo kundi sa tuwing sasapit ang hatinggabi.

May mga oras na nakaparada ito sa himpilan ay bigla na lamang bubusina ng malakas at matagal at pag tumigil naman ay magbi-blink ang ilaw.

Kapag tiningnan nila kung may tao sa loob ay wala silang makikita.

"Isang beses nga napadaan ako mismo sa tapat niya, nakalimutan kong iyon nga pala yong mobile car na nagmumulto, bigla ba naman akong binusinahan. Walang tao sa loob talagang napatakbo ako," pagtatapat ng impormanteng pulis.

Sa usap-usapan sa dibisyon, sinasabing isang matandang pulis umano ang nasawi sa loob ng naturang mobile car. Ito umano ay napatay sa isang naganap na shootout.

"Parang hindi napapanahon iyong pagkamatay niya, kaya posibleng siya iyon, parang gusto pa rin niyang maging pulis at sumakay sa mobile car para tugisin ang mga nakapatay sa kanya," dagdag pa ng impormante.(Ulat ni Grace dela Cruz)

vuukle comment

ALAM

ARAW

AYON

CAR

CRUZ

ISANG

MOBILE

MOBILE DIVISION

PULIS

WESTERN POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with