Fans ni Nida Blanca naghihintay pa rin sa hustisya
November 1, 2002 | 12:00am
Ilang araw na lamang at unang anibersaryo na ng pagkapaslang sa beteranang aktres na si Nida Blanca ngunit magpahanggang ngayon ay nananatiling misteryo pa rin kung sino ang mastermind at ang motibo sa pagpatay dito.
Kahapon, dinagsa ng ilang mga malalapit na kaibigan, kaanak at mga fans ang puntod ni Blanca, Dorothy Jones sa tunay na buhay, sa kinahihimlayan nito sa Loyola Memorial Park sa Marikina City.
Ayon sa ilang mga fans ni Blanca na dumalaw sa puntod ng kanilang idolo, umaasa silang lilitaw din ang katotohanan sa likod ng pagkamatay nito at maaaresto ang tunay na salarin.
Ang dumagsang fans ng aktres ay nagtirik ng kandila at nag-alay ng bulaklak at panalangin para kay Blanca.
"Mahal namin si Nida, hindi namin siya kayang burahin sa aming mga puso," pahayag ng isang ginang na tagahanga ng veteran actress.
Magugunita na bago tumulak ang nag-iisang anak ng aktres na si Kaye Torres patungong Estados Unidos ay sinabi nito na wala siyang tanging hinahangad kundi magkaroon ng hustisya ang pagkamatay ng ina.
Si Blanca ay nagtamo ng 13 saksak sa katawan matapos pagsasaksakin sa parking area ng Atlanta Tower sa Greenhills, San Juan noong nakalipas na Nobyembre 7 ng taong nagdaan. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended