Ex-WPD cop tiklo sa pagpaslang
October 31, 2002 | 12:00am
Makaraan ang sampung taong pagtatago, naaresto na ng mga elemento ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang dating pulis-Maynila na nakapatay sa kanyang sariling kumpare, kamakalawa ng hapon sa Cavite City.
Kinilala ni NBI Officer in Charge Atty. Lolito Utitco ang nadakip na suspect na si PO3 Arturo Frias, dating imbestigador sa homicide unit ng WPD. Ito ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Manila RTC Judge Rodolfo Palattao sa kasong pagpaslang sa kanyang kumpareng nakilalang si Ernesto Estrada ng Barangay 740 Zone 80, Anakbayan St., San Andres, Manila.
Nabatid na Nob. 25, 1992 nang tambangan ng suspect ang biktima na nag-ugat lamang dahil sa owner type jeep na nasira at ang pinagbintangan ng una ay ang huli.
Makaraang malaman ng suspect na sinampahan siya ng kaso ay nagtago na ito sa ibang bansa at nang medyo lumamig ay muling bumalik at nagtrabaho bilang tricycle driver. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended