^

Metro

Diana Zubiri kinasuhan ng 'grave scandal'

-
Sinampahan na kahapon ng kasong grave scandal sa Mandaluyong City Prosecutor’s Office ang sexy starlet na si Diana Zubiri dahilan sa pagpo-pose ng halos hubad para sa pictorial sa isang men’s magazine sa kahabaan ng EDSA-Shaw flyover sa Mandaluyong City.

Ang sexy actress at ang FHM magazine ay pormal nang inireklamo ng lokal na pamahalaan ng Mandaluyong City sa pamumuno ni Mayor Benhur Abalos dahil umano sa ‘scandalous photo session’ na isang paglabag sa nilagdaan nitong kasunduan sa kanyang tanggapan.

Nabigyan ng permiso si Zubiri base sa kasunduan na magsusuot lamang ng shorts, pants at blouse o tube sa nasabing photo shoot subalit hindi naman ito nasunod at sa halip ay nagsuot ng t-back panty at bra sa pictorial sa EDSA-Shaw Blvd. flyover dakong alas-3 ng hapon kamakalawa na umano’y pinagpiyestahan ng mga nagdaraang motorista.

Nagsuot din umano ng two-piece si Zubiri na nagdulot ng matinding trapiko sa lugar dahil ang mga nagdadaan na motorista ay tumitingin pa sa aktres ngunit agad naman itong dinepensa ni FHM Editor-in-Chief Enrique Ramos at sinabing hindi naman nagkaroon ng traffic jam sa lugar.

Humingi na rin umano ng paumanhin ang FHM na pagmamay-ari naman ng Summit Publications ng Gokongwei family kay Abalos subalit hindi naman umano ito dahilan para iurong ang kaso.

Ipinaliwanag ni Ramos na mabilisan lamang at inabot lamang ng 30 minuto ang pictorial at mayroon din silang tulong mula sa MMDA para tiyakin na magiging maayos ang daloy ng trapiko sa west-bound lane.

Nangako naman ang FHM na hindi nito ipa-publish ang litrato ni Zubiri na nakasuot ng two-piece bagkus ang litrato kung saan nakasuot ito ng bra at shorts na lamang ang gagamitin.

Sa nasabing pictorial, unang nakasuot ng kulay pulang shorts, leather jacket at high heels si Zubiri na makikisakay naman sa isang sasakyan subalit sa kasunod na pictorial ay inalis na ang damit nito.(Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

DIANA ZUBIRI

EDITOR-IN-CHIEF ENRIQUE RAMOS

JOY CANTOS

MANDALUYONG CITY

MANDALUYONG CITY PROSECUTOR

MAYOR BENHUR ABALOS

NAMAN

SHAW BLVD

SUMMIT PUBLICATIONS

ZUBIRI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with