^

Metro

Grade 4 pupil pinalakad nang paluhod ng guro

-
Isang grade 4 teacher ang inireklamo ng kanyang estudyante sa Malabon police makaraan umanong sabunutan at sampung beses na paluhod na pinaikot sa buong classroom ang huli kahapon.

Kinilala ang inireklamong guro na si Miss Luz Ramos ng Tonsuya Elementary School habang ang biktima nito ay itinago sa pangalang "Lito", 10, estudyante ng nasabing guro at nakatira sa SM Letre Rd., Brgy. Tonsuya, Malabon.

Nagtamo ang biktima ng mga gasgas at sugat sa kanyang tuhod.

Sa imbestigasyon ni PO3 Rios, naganap ang insidente dakong ala-1 ng hapon noong nakalipas na Biyernes sa nasabing paaralan.

Sa salaysay ni Lito, sinamantala nito ang paglabas ng kanyang gurong si Ms. Ramos upang kumuha ng bangko dahil sira ang kanyang upuan.

Nang bumalik ang batang estudyante, nagtuturo na si Ms. Ramos ng leksyon.

Upang hindi siya makita, paluhod na pumasok ang biktima sa kanilang silid-paaralan ngunit nakita ito ng nasabing guro.

Walang kaabug-abog umanong sinabunutan ng teacher ang estudyante bilang parusa nito at inutusan ang biktima na maglakad nang paluhod sa buong classroom ng sampung beses.

Pag-uwi ng bata sa kanilang bahay, agarang nagsumbong ito sa kanyang ina hinggil sa pagmamaltrato nito na naging dahilan naman upang ireklamo ng pag-abuso sa pulisya. (Ulat ni Jhay Quejada)

BIYERNES

BRGY

ISANG

JHAY QUEJADA

LETRE RD

LITO

MALABON

MISS LUZ RAMOS

MS. RAMOS

TONSUYA ELEMENTARY SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with