^

Metro

Tanggapan ng MTRCB chairman pinad-lock

-
Pinadlock ng may 40 empleyado ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), kasama ang may 30 miyembro ng militanteng grupo ang tanggapan ni Board’s Executive-chief na si Marilen Dinglasan.

Ang ni-lock na tanggapan ni Dinglasan ay yaong nasa 6th floor ng President Tower na nasa Timog Ave., Quezon City.

Bukod sa ginawang pagsasara, sinabitan din ito ng mga itim na ribbons at saka nagpaskil na sarado ang tanggapan.

Wala naman si Dinglasan para kunan ng komento tungkol dito.

Magugunitang si Dinglasan ay inalis sa posisyon noon lamang Oktubre 16 ng taong kasalukuyan, gayunman sinabi ng ilang mga miyembro nito na patuloy pa rin umano ito sa pag-oopisina sa nasabing tanggapan.

Binanggit pa ni Mina Nacilla, MTRCB union president na sa kabila ng announcement ng Malacañang tungkol sa pag-aalis dito ay nagawa pa umano nito na magsibak naman ng dalawang driver sa MTRCB na sina Fernando Agumbay at Ricardo Aguirre na hindi dumaan man lamang sa due process. Inakusahan din nito si Dinglasan nang pangha-harass sa mga empleyado sa pamamagitan ng pag-aantala sa kanilang mga sahod.

Magugunitang may walong kaso isinampa ang MTRCB union laban kay Dinglasan kabilang nga dito ang kuwestiyonableng reimbursements at representation allowances na umaabot sa P169,264.53 mula ng maupo ito noon lamang nakalipas na Hulyo. (Ulat ni Rommel Bagares)

vuukle comment

DINGLASAN

FERNANDO AGUMBAY

MAGUGUNITANG

MARILEN DINGLASAN

MINA NACILLA

MOVIE AND TELEVISION REVIEW AND CLASSIFICATION BOARD

PRESIDENT TOWER

QUEZON CITY

RICARDO AGUIRRE

ROMMEL BAGARES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with