^

Metro

Camp Crame binulabog ng bomb scare

-
Hindi rin nakaligtas ang punong-himpilan ng PNP sa Camp Crame sa bomb scare matapos na bulabugin ng isang kahon sa loob ng isang taxi na pinaghinalaang isang bomba, kahapon ng umaga.

Sinabi ni Senior Supt. Nicanor Bartolome, na dakong alas-8:45 ng umaga nang sitahin ng isang camp guard si Cesar Cabatu, driver ng isang taxi na pumasok sa nabanggit na kampo. Nabatid na sakay noon ni Cabatu ang isang policewoman at dahil nga sa ipinatutupad na mahigpit na seguridad sa kampo, pinabuksan ng nakatalagang bantay na pulis ang compartment ng taxi at dito nakita ang isang kahon.

Itinanggi naman ni Cabatu na sa kanya ang kahon kasabay nang pagsasabing baka naiwan ng isa niyang pasahero.

Dahil dito, lalong nagduda ang mga pulis kung kaya agad itong siniyasat ng mga tauhan ng Explosive Ordinance Division, subalit nang mabuksan na ang kahon ay mga Christmas Decor at miniature ni Santa Claus ang laman ng naturang kahon. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

CABATU

CAMP CRAME

CESAR CABATU

CHRISTMAS DECOR

DANILO GARCIA

EXPLOSIVE ORDINANCE DIVISION

ISANG

NICANOR BARTOLOME

SANTA CLAUS

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with