Sinabi ni SMPP vice-president for external affairs Ramon Sales na nakakadismayang gusto pang unahin ni Legarda ang mga nasa malayo at balewalain silang mga nandito sa bansa.
Tiyak na alam ni Legarda na silang mga nasa SMPP ay tinanggihan nang tanggapin sa trabaho ng pangasiwaan ng malapit nang buksang Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.
Subalit tila hindi alam ni Legarda ang kasabihang charity begins at home, ayon kay Sales na idinagdag pang mulat sapul ay hindi sila ipinaglaban ng senadora mula nang malagay ang kanilang trabaho sa alanganin.
"Ang kapalaran naming mga nasa SMPP ang mas agad na suliranin dahil kami ay nandito sa bansa. Bakit tila bulag si Legarda sa aming kalagayan at ang kanyang pananaw ay 10,000 milya ang layo sa Amerika?"
Posible umanong ang absentee voting ay malapit nang maging batas at ang milyun-milyong OFWs at expatriates sa ibang bansa ay tiyak na mapapansin ang kanyang pagmamalasakit sa mga US-based Filipino airport workers, ayon pa kay Sales.