^

Metro

PDEA, NCRPO nag-agawan sa kredito sa nadakip na drug suspects

-
Urong-sulong ang naganap na presentasyon kahapon sa anim na nadakip na drug suspect matapos na mag-agawan sa kredito ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at National Capital Region Police Office (NCRPO).

Iprinisinta kahapon dakong alas-11:30 ng umaga sa tanggapan ng PDEA ang mga nadakip na suspect na sina Danilo Bayani, 35; Edrie Andaya, 41; Roberto dela Cruz, 45; Nestor Gutierrez, 47; Alex Maulama, 27; at Abdul Jabar Ulamay.

Inilabas na ng mga tauhan ng PDEA sa likod ni Spokesman Sr. Supt. Primo Galongay ang mga suspect at nag-umpisa nang kuhanan ng litrato ng mga mamamahayag nang ipatigil at ipapasok muli ni NCRPO Spokesman Sr. Supt. Julius Cesar Abanez.

Ikinatwiran ni Abanez na hindi pa umano oras na ilabas ang mga suspect dahil sa hindi pa dumarating si NCRPO Chief Deputy Director General Reynaldo Velasco.

Narekober sa kanila ang 26 na sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P130,000, Toyota Rav4 (URU-813) at isang kalibre .45 baril.

Nadakip naman dakong alas-6 kamakalawa ng gabi sina Maulama at Ulamay sa isang buy-bust operation sa may SM Centerpoint sa Sta. Mesa, Manila kung saan nakuha sa kanila ang 35 gramo ng shabu. (Ulat nina Danilo Garcia at Doris Franche)

ABDUL JABAR ULAMAY

ALEX MAULAMA

CHIEF DEPUTY DIRECTOR GENERAL REYNALDO VELASCO

DANILO BAYANI

DANILO GARCIA

DORIS FRANCHE

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

EDRIE ANDAYA

JULIUS CESAR ABANEZ

SPOKESMAN SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with