Itoy matapos na maunang magtaas sa kahalintulad na presyo ang Caltex Philippines habang nakatakda na ring sumunod ang Shell Pilipinas.
Ang Petron at New Oil Players ay nagkaroon ng .30 sentimong dagdag sa presyo ng gasolina at kerosene habang 20 sentimo naman sa diesel.
Ipinaliwanag ni New Oil Players President Fernando Martinez na ang pagpapatupad nila ng pagtataas ng presyo ng gasolina at iba pang produktong petrolyo ay bunga na rin sa paiba-ibang presyo ng krudo sa pandaigdigang pamilihan.
Sa panig naman ng Pilipinas Shell, sinabi ni Vice President for Corporate Affairs Bobby Kanapi na susunod din ito sa pagtaas sa presyo ng langis subalit hindi pa ito batid kung kailan ipatutupad.
Nakatakda namang magpulong ngayong araw ang mga matataas na opisyal ng Shell upang idetermina kung kailan ipatutupad ang adjustment subalit tiyak na kapareho din ito sa nauna nang hakbang ng iba pang kompanya ng langis. (Ulat ni Joy Cantos)